Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

14 araw ECQ sa NCR, hahatulan ni Duterte

0 410

Nagpulong nitong Sabado ng gabi ang ilang gabinete para talakayin ang hiling ng mga medical frontliner na muling isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang NCR hanggang August 15.

Nangyari ang meeting matapos atasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases na irekonsidera ang hiling ng mga health worker, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sa pangunguna ni Executive Secretary Salvador Medialdea, kabilang sa dumalo sa pagpupulong sina Roque Wendel Avisado (Budget), Ramon Lopez (Trade), Francisco Duque (Health), Eduardo Año (Interior), Delfin Lorenzana (Defense) at National Task Force (NTF) Covid-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr.

Agad daw isinumite kay Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng mga gabinete tungkol sa kapalaran ng Metro Manila matapos ang meeting.

Sa lalong madaling panahon ay ilalabas aniya ang sagot ng Pangulo sa apela tungkol sa 2-week ECQ sa NCR. (IS)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.