Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

14-anyos niratrat sa Bacolod City

0 133

Isa na namang menor de edad ang nasawi matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga armadong lalaki ang 14-anyos na binatilyo sa Bacolod City noong Huwebes.

Ayon kay Police Capt. Elmer Bonila, hepe ng Police Station 7 ng Bacolod City Police Office, ito ang ika-11 insidente ng pamamaslang sa hanay ng mga menor de edad ngayong Hunyo at ikatlo naman ngayong linggo. Nitong Martes lang, isa ring menor de edad ang pinatay ng hindi pa nakikilalang suspek.

Ani Bonilla, nakaupo ang biktima sa harap ng kanilang bahay sa Abada Escay Zone 3, Brgy. Vista Alegre nang bumaba sa kanyang tapat ang limang armadong lalaki mula sa puting van bandang alas-10:35 ng gabi.

Tumakbo ang binatilyo pero hinabol siya ng mga suspek at nang maabutan ay saka ito pinagbabaril hanggang sa matumba ito sa isang creek.

Nahagip ng CCTV sa lugar ang krimen kung saan nakitang naka-bonnet ang mga suspek na agad uma­lis sa lugar matapos ang pamamaslang. Narekober sa lugar ang mga basyo ng bala ng cal.45.

Sinisilip naman ng pulisya na posibleng may kinalaman sa ilegal na droga ang krimen dahil pareho umanong nakakulong dahil sa droga ang ama at tiyo nito. Maaari rin umanong napagkamalan ang biktima. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.