Una sa Balita

14-anyos na dalagita pinulutan ng amain

By
0 1

Kulungan ang binagsakan ng isang 47-anyos na fish vendor makaraang ireklamo ng panggagahasa ng kanyang 14-an­yos na stepdaughter nang utusan nito na imasahe habang umiinom ng alak sa loob ng kanilang tinitirhan sa Barangay Pinagkuartelan, Pandi, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ni P/Chief Ins­pector Manuel de Vera, Pandi police chief, ang suspek na si Edward Castro y Arenas, 47, tubong Davao City, kinakasama ng ina ng biktima. Nakadetine ito ngayon sa himpilan ng pulisya.

Dakong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang insidente habang ang biktimang si ‘Ine’ ay lumabas ng kanyang silid para uminom ng tubig sa kusina nang tawagin ito ng kanyang amain na noon ay mag-isang umiinom ng alak at utusan ang dalagita na imasahe ang kanyang likod.

Abante Hiring – IT dep

Habang minamasahe ay biglang dinakma ng suspek na noon ay lasing ang dibdib ng biktima saka ito tinanggalan ng pang-i­babang saplot at saka ginahasa sa kabila ng pagmamakaawa ng biktimang si ‘Ine’. Pinagbantaan ito na papatayin silang mag-ina kapag nagsumbong.

Ngunit nakakuha ng tiyempo ang biktima kaya nagsumbong ito sa kanyang kamag-anak bago sila nagtuloy sa himpil­an ng pulisya at maaresto sa follow-up operation. Ang suspek na nakapiit na ngayon ay nahaharap sa kasong kriminal.