Una sa Balita

$13K camera lens, naibenta ng Amazon sa $94

0 286

NAGPIYESTA ang mga online shopper sa Amazon Prime Day sale matapos ang technical error na nagresulta sa maling presyo ng mga mamaha­ling lente ng camera.

Isang bargain hunter ang umorder ng Canon EF 800mm f/5.6L IS lens sa halagang $94 lamang bagama’t ang tunay na halaga nito ay pumapalo sa $13,000.

Sinuwerte rin ang iba na bumili ng Fujifil X100F at Canon EOS R sa halagang mababa sa $100 gayong ang presyo nito ay higit sa $1,000.

Kahit nagkamali sa presyuhan, tinanggap naman ng Amazon ang order at nangakong ide-deliver sa mga customer.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy