Una sa Balita

135 sugatan sa France ‘yellow vest’ protest

0 233

MULING nagsalpukan ang mga pulis at mga protester sa Paris nitong Sabado, ang ikaapat na linggo ng kanilang ‘gilets jaunes’ o ‘yellow vest’ protest laban sa administrasyon ni President Emmanuel Macron.

Nagpaulan ng rubber bullets at ilang daang canister ng tear gas ang mga pulis upang mabuwag ang pagtitipon ng mga demonstrador kung saan 135 ang nasugatan, higit sa isang libong katao ang binitbit sa presinto at 974 dito ang ikinulong.

Nagsimula ang lingguhang demonstrasyon noong Nobyembre 17 upang iprotesta ang pagtaas ng presyo ng petrolyo subalit kalaunan ay si Macron na ang pinag-iinitan dahil sa mga kuwestiyonableng polisiya nito na pumapabor lang umano sa mayayaman.

Napilitang magsara ang mga shop, museum, metro station at ang mismong Eiffel Tower, habang ang mga football match at concert ay kinansela dahil sa demonstrasyon sa kalsada.

Sinasabing mas malala pa ang naganap na kilos-protesta noong nakaraang linggo kung saan 200 sasak­yan ang sinunog, habang ­pininturahan ­naman ang Arc de Triomphe.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy