Una sa Balita

130K Chinese worker tutugisin ng BIR

0 293

TINIYAK ng Bureau of Internal Reve­nue (BIR) na tutugisin nila ang mga dayuhang nagtatrabaho sa Philippine offshore gaming operations (POGO) industry matapos nilang matuklasan na higit sa 130,000 foreign worker ang hindi nagbabayad ng buwis.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa, karamihan ng 138,001 POGO worker sa listahan ng gobyerno ay mga Chinese na hindi kumuha ng tax identification number (TIN) sa kanilang tanggapan.

“We are looking for all of them. Although they are employed in online gaming, what we are checking is if they are paying their taxes,” wika ni Guballa sa ulat ng pahayagang Inquirer.

“We will check if their remittances are correct, if (payments were) below the actual (income tax) rate or below the declared income. We are counterchecking the income that they receive.”dagdag pa niya.

Suportado naman nina Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III at Sen. Joel Villanueva ang hakbang ng BIR na habulin sa buwis ang mga Chinese worker sa bansa.

Binanggit din ni Villanueva sa ipinadalang mensahe sa Abante na sa huling tala ng Department of Finance (DOF), tinataya na mahigit sa P22 bilyon ang hindi nakukolekta sa income tax ng mga banyagang manggagawa na nagtatrabaho sa mga offshore gaming operations pa lang at hindi pa kabilang dito ang mga manggagawa sa ibang sektor.

“Kung gustong magtrabaho ng mga banyaga dito sa ating bayan, dapat ligal ang kanilang katayuan at sumunod sa mga alituntunin ng ating mga batas.

Mayroon dapat silang tamang mga pahintulot mula sa pamahalaan, tulad ng karampatang Alien Employment Permit at Working Visa, kasabay na rin ng pagbabayad ng tamang buwis,” diin ng senador na siyang chairman ng Senate committee on labor, employment and human resource development.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy