Una sa Balita

130 pulis ‘positive’ sa confirmatory drug test

By
0 167

Umaabot sa 130 pulis ang nagpositibo sa confirmatory drug test na isina­gawa ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang kinumpirma kahapon ni PNP- Crime Laboratory director, Chief Supt. Emma­nuel Aranas na nagposi­tibo sa confirmatory drug test ang 130 pulis base sa isinagawang pagsusuri.

Kabilang ang mga naturang pulis sa kabuuang 99,598 kawani ng PNP na sumalang na sa drug test, hanggang alas-otso ng umaga, Agosto 22.

Ang mga unit head ng mga pulis na bumagsak sa drug test ang magkakasa ng mga susunod na ligal na hakbang laban sa kanila, dagdag ni Aranas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More