Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

130 pang-Noche Buena walang taas presyo

0 123

Inilabas na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang listahan ng mga suggested retail price (SRP) ng mga Noche Buena pro­duct sa holiday season.

Karamihan sa mga Noche Buena item ay nanatili ang presyo.

Kabilang sa nasa listahan ang ham, keso de bola, cheese, sandwich spread, mayonnaise, pasta – spaghetti noodles, elbow at salad macaroni – spaghetti sauce, tomato sauce at all-purpose cream.

Nasa 110 shelf-keeping unit (SKU) ang walang pinagbago sa presyo habang 20 SKU ang bumaba ang halaga.

Ang presyo ng ham ay naglalaro sa P158-P204 (500 gramo) hanggang P345-P1,120 (1 kilo) habang ang 165 gramo ng keso ay may SRP na P49.50 hanggang P81.30.

P285-P410 naman ang kalahating kilo ng keso de bola.

Maaaring umabot sa P219 ang halaga ng spaghetti package (1 kilo — pasta, spaghetti sauce at tomato sauce.

Nasa P71.75 hanggang P89.25 naman ang isang kilo ng elbow o salad macaroni.

Samantala, ang ma­yonnaise at sandwich spread (470 milliliters) ay may SRP na P96.50 hanggang P169 at P122.85 hanggang P157, ayon sa pagkakasunod. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.