Una sa Balita

13-year-old Filipina super sikat sa Ireland

By
0 4,276

Pinag-uusapan ngayon sa social media si Shaniah Rollo, ang 13-year-old Filipina na contestant sa 2018 edition ng Ireland’s Got Talent. Nakuha ni Rollo ang boto ng judges na sina Louis Walsh, Michelle Visage, Jason Byrne at Denise Van Outen dahil sa perfect rendition niya sa True Colors, ang hit single ng American singer na si Cyndi Lauper noong 1986.

Binigyan si Rollo ng standing ovation ng audience ng Ireland’s Got Talent. Nakuha rin ni Rollo ang simpatiya ng lahat dahil sa kanyang pahayag na kung sakaling manalo siya sa naturang contest, gagamitin niya ang premyo na pera para makasunod sa Ireland ang mga kapatid na naiwan sa Pilipinas.

Naramdaman ng audience at ng mga hurado ng Ireland’s Got Talent ang matinding pangu­ngulila ni Rollo sa kanyang mga kapatid.

Malaki ang tsansa ni Rollo na umabot sa semifinals ng contest pero ang 81-year-old na si Evelyn Williams ang isa sa mga matinding makakalaban niya.

Darling of the crowd si Williams dahil sa kanyang madamdamin na pagkanta ng Send in the Clowns na nag-udyok kay Michelle Visage para pindutin ang golden buzzer.

Si Williams ang sagot ng Ireland kay Susan Boyle na biglang sumikat at nagkaroon ng singing­ career nang sumali sa Britain’s Got Talent noong April 2009.

Pagkatapos ng performance ni Williams sa Ireland’s Got Talent, naging in demand siya sa mga radio at television interviews dahil sa winsome personality niya.

***

‘Para akong nakaburol!’ – Joel

Para kay Erich Gonzales, malaking oportunidad na nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang award-winning director na si Joel Lamangan sa The Significant Other ng Cineko Productions.

“First time ko po na makatrabaho si Direk Joel at masaya po tayo dahil nabigyan tayo ng ganitong klase ng oportunidad.

“Marami po tayong natutunan sa kanya, ibang klase po ang directing style niya. Sobrang saya na makatrabaho siya,” ani Erich.

Awestruck naman ang ginamit na salita ni Tom Rodriguez sa description niya kay Joel.

“Sobrang starstruck ako sa kanya. Laging hindi ako makapaniwala na I’m doing a film with THE Joel Lamangan.

“It’s so surreal. Sayang nga, by the end of the film, finally, nasasanay na ako sa fact na I’m doing a movie with Direk Joel, tapos na (ang shoo­ting),” ang sabi ni Tom na ipinagmalaki na marami siyang natutunan sa pakikipagtrabaho niya sa direktor ng The Significant Other.

Nagsalita rin sina Lovi Poe, Snooky Serna at Dina Bonnevie tungkol sa respeto at paghanga nila kay Joel.

Sa kabila ng mga papuri na narinig, isa lang ang sagot ni Joel, ang witty one-liner niya na “Salamat sa lahat. Para namang nakaburol ako,” dahil sa biglaang tribute sa kanya ng cast ng The Significant Other.

***

Hindi na bago ang plot

Ang Star Cinema ang distributor sa Pilipinas ng Never Say Die, ang Chinese comedy movie na pinagbibidahan nina Ai Lun, Ma Li at Shen Teng.

Hindi nagdalawang-isip ang Star Cinema executives na dalhin sa Pilipinas ang Never Say Die dahil ito ang highest grossing comedy movie sa China.

Nag-click sa Chinese moviegoers ang movie dahil tungkol sa accidental switching ng mga katawan ng male boxer at ng female journalist ang plot ng pelikula na hindi na bago pero nabigyan ng bagong twist at treatment ng mga direktor na sina Yang Song at Chiyu Zhang.

Umabot sa US$334 million ang box office gross ng Never Say Die na itinuturing na pinakamatagumpay na Chinese comedy movie.

Nauna nang ipinalabas sa Philippine cinemas noong January 31 ang A Better Tomorrow, ang adap­tation ng 1986 hit action movie ni John Woo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy