Una sa Balita

13-Under Elite Basketball suportado ng AMA, Octagon

0 501

Muling sasabak ang 13-Under Elite Basketball league ngayong summer 2019 na nu’ng nakaraan taon ay nagkamit ng 3 kampeonato dito sa Pilipinas at 2 sa international competion na pinamumunuan ng inyong lingkod.

Pero sa pagkakataong ito, ang hahawak na ng komponan ay sina coach Edwin Ancheta, Gus Fortuna, Benjie Diswe, Yong Catequista at ang aking kuya na si Peter Herrera na nagmula pa sa Amerika.

Ako ay magiging consultant ng team.

Sasabak sila sa iba’t ibang liga gaya ng Metro Basketball League at Youth Basketball League.

Nagpapasalamat ang team sa walang sawang supporta ni AMA Chairman Amb. Amable R. Aguiluz V, President Dr. Amable C. Aguiluz IX, Sir Emil Soriano, Sir Jay Villaruz at siyempre ang Octagon Tires & Accesories pati na si Ma’am Rowena Macatao at Raymundo Loga ng Vice Mayor’s office ng Quezon City.

Mamimili pa ang coaching staff sa final team line up pero mayron na silang 13-Under Elite pool.

Kabilang dito sina Andre Herrera-San Beda U (captain), Irus Chua-Xavier School (co-captain), Xebastian Manalad-San Sebastian College, Bryan Hachuela-La Salle Greenhills, Chadrick Timbol-San Beda, Geoff Lopez-San Sebastian, Gean Gomez-La Salle Greenhills, Darryl Valdevilla-La Salle Zobel, Jiroh Caceres V-De La Salle Zobel, Champ Arejola-De La Salle Zobel, Joaquin Maneja-San Sebastian, Kristofer Lugtu-San Sebastian, Carl Galindez-San Sebastian, Joaqui Sison-Ateneo, Uno Prado-Ateneo, Neuelle Yu-Xavier, Mariuz Guevarra-Xavier, Gavin Kua-Xavier, Skye Tan-Xavier at Bric Dizon-Xavier, Nash Balina-St. Bridget College.

Sasabak na rin ang AMA Basketball Seniors at Juniors sa Abril 10 sa SGS Gym.

Makakalaban ng AMA seniors ang La Salle at sa Juniors naman ay San Sebastian.

Inaasahan namin sa seniors sina Alvin Fuentes,­ Jay-r Dela Rosa, Vince Bederi, Luke Parcero, Jr., Bacalla, Dean Martin at sa juniors sina Alec Catorce, Christian Geronimo, Dominic Sayat, Nikon Alina, Christian Camay, JC Yambao, Reed Baclig, Eriz Romero at Marc Jocson.
Binabati ko ang aking mga graduating student sa AMA basketball aspirants team sa kanilang graduation kahapon na sina Justine Del Pilar, EJ at JP Magpayo, Jade Poblete, Christian Camay, Eriz Romero, Joshua Villamor, Jan Anthony Pineda, Ado Cruz, Angelo Cabaluna, Rolando Oyoa at Keith Gonzales.

Binabati ko rin si JC Yambao, Eriz Romero at Jimmy Cruz ng maligayang kaarawan at get well soon sa aming student athlete teacher na si Ma’am Ruth Paner.

***

Ano’ng college team ng basketball at volleyball na kapag umalis ang magaling na player ay umaalis din ang kanilang coach? Pero kapag lumipat at mag-iba ng divison ay wala maipakita?

Bato-bato sa langit ang tamaan huwag maga­lit.

Panaginip ko lang. May kasabihan kasi ako, good players make good coaches.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More