Una sa Balita

13 turistang Chinese todas sa Laos

0 271

Labingtatlong tu­ristang Chinese ang nasawi at dose-dosena ang sugatan sa nangyaring aksidente sa Laos.

Nabatid na lulan ng bus ang mahigit 40 Chinese national at patungo sa Luang Prabang nang sumalpok ang sinasakyang bus, Lunes (Agosto 19) nang gabi.

Ginagamot naman ayon pa sa ulat ang iba pang pasaherong sakay ng bus.
Ipinakita sa ilang video sa isinagawang rescue operation na may baha sa kinabagsakan ng mga biktima.

Ang aksidente sa Laos, Thailand, Cambodia at Myanmar ay madalas dahil sa mahinang safety regulation at ipinatutupad na batas.

Ang turismo sa Laos ay lumobo sa mga nakalipas na taon at kabilang ang mga Chinese sa dumadagsa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy