Una sa Balita

13 tarak sa ‘ex’ 

By
0 116

Labintatlong saksak ang tumapos sa buhay ng isang 27-anyos na babae matapos itong saksakin ng kanyang dating kinakasama nang magtalo ang dalawa nang magkita sa isang eskinita, kamakalawa ng gabi sa may Balut, Tondo, Maynila.

Kinilala ni SPO3 Milbert Balinggan, imbestigador ng Manila Police District-homicide section, ang biktimang si Rizza Sanchez, taga-226 H. Lopez St., Balut, Tondo, Maynila na nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Habang tumakas naman ang suspek na si Resie Sese, 30, dating ka-live in ng biktima at nakatira rin sa nabanggit na lugar.

Sa impormasyong nakuha ng pulisya, nabatid na matagal na umanong hiwalay ang suspek at biktima at may kinakasama na umanong 18-anyos na tomboy si Sese.

Nabatid kay Balinggan, na gusto umanong makipagbalikan ng suspek sa biktima pero tumanggi umano ito hanggang mauwi sa mainitang pagtatalo ang pag-uusap ng dalawa nang magkita sa iskinita na nauwi sa nasabing pananaksak.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy