Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

13 taon nagtago! Rape suspek timbog

0 96

Laglag sa kamay ng awtoridad ang number 1 wanted person ng Zaragoza, Nueva Ecija na nagtago sa batas nang 13 taon, makaraang maresto noong Miyerkoles sa Bacarra, Ilocos Norte.

Sa ulat ng Nueva Ecija Police, nakilala ang naaresto na si Felvin Mata Tagaza, 32, na isang rape suspek.

Nabatid na noong Martes ay dumulog sa tanggapan ng pulisya ang mga kaanak ng biktima ni Tagaza at inginuso ang pinagtataguan nito sa Ilocos Norte.

Bumiyahe ang mga tauhan ng Zaragoza Police na nakipagtulungan sa Bacarra Police.

Armado ang mga pulis ng arrest warrant na inisyu ni Judge Evelyn Dimaculangan-Querijero, Presiding Judge ng RTC Branch 26 Cabanatuan City na may petsang Setyembre 17, 2008 sa kasong rape na walang piyansa, nang arestuhin si Tagaza sa Brgy. Tambidao.

Hindi umano nakapalag ang salarin na agarang ibiniyahe patungo sa Zaragoza. (Jojo De Guzman)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.