Una sa Balita

13 patay sa serye ng landslide sa Cordillera

By
0 238

UMABOT na sa 13 ang kumpirmadong nasawi sa kasagsagan ng pana­nalasa ng bagyong Ro­sita sa Cordillera Admi­nistrative Region (CAR).

Ayon kay CAR Director Chief Supt. Rolando Nana, walong bangkay na ang nahukay matapos ang naganap na landslide kamakalawa nang hapon sa gusali ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Natonin, Mountain Province habang sa kasagsagan ng bagyo.

May 21 pa umano ang nawawala matapos matabunan ng gumuhong putik ang natu­rang gusali habang anim ang nailigtas sa landslide.

Sa Ifugao naman, patay ang isang ama na si Baltazar Pinnay, 48-an­yos, at ang tatlong anak nitong sina Rydell, 8; Rhezel, 10; at Rexibell, 12, pawang taga-Brgy. Batad, Banaue.

Nakaligtas umano ang ina ng mga biktima dahil pumunta ito sa isang bahay ‘di kalayuan sa kanilang tahanan at naiwan ang mag-aama.

Nasa loob ng bahay ang mag-aama habang kasagsagan ng bagyo nang biglang gumuho ang lupa mula sa bundok bandang alas-siyete nang gabi. Nabatid na nakatayo ang bahay ng mag-anak sa paanan ng bundok.

Sa Brgy. Mabilong, Lubuagan, Kalinga, patay naman ang isang Eurich Galo, 5, dahil din sa landslide habang sugatan ang isang batang apat na taong gulang at isang 19-anyos.

Ayon sa mga opisyal ng Department of Health (DOH) sa Kali­nga, natabunan si Galo ng gumuhong lupa sa Brgy. Mabilong habang nakatakda ang dalawa pero nasugatan ang mga ito sa kanilang katawan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy