Una sa Balita

13 patay sa Guatemala jail riot

By ,
0 125

Patay ang may 13 preso matapos na sumiklab ang isang riot sa bilangguan sa Guatemala.

Kasama sa mga nasawi si dating army captain Byron Lima Oliva na nahatulan at nakulong sa kasong pagpatay sa isang Guatemalan bishop.

Ang pagpatay ni Oliva kay Bishop Gerardi ay ginawa nito noong Abril 26, 1998 at itinuturing na isa sa most notorious crimes sa kasaysayan ng Guatemala.

Ayon sa tagapagsalita ng Guatemalan National Institute of Forensic Sciences, naganap ang riot sa Pavoncito prison.

Patuloy na iniim­bestigahan ng mga awtoridad kung ano ang pinag-ugatan ng riot na ikinasawi rin ng iba pang preso.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy