Una sa Balita

13 patay, 40 arestado sa Bulacan drug ops

0 1,168

Dead-on-the-spot ang labing tatlong drug suspect makaraang masawi sa ikinasang magkakasunod na drug ope­ration ng mga tauhan ng PNP Bulacan sa 11 siyudad sa lalawigan ng Bulacan mula kaninang alas-12:00 ng hating gabi hanggang alas-12:00 ng tanghali.

Ayon kay Bulacan Police Provincial Director Sr. Supt. Romero Caramat, isa ang nasawi sa operasyon ng PNP Bocaue, isa sa PNP Pandi, isa sa PNP Santa Maria, isa sa PNP Malolos City, isa sa PNP Plaridel, isa patay sa operasyon sa Provincial Mobile Force Company, tatlo patay sa operasyon ng San jose Del Monte, isa sa ope­rasyon ng Provincial Intelligence Branch, isa sa PNP Baliwag at isa sa PNP San Rafael.

Nakuha sa mga drug suspek ang 216 na sachets ng shabu, 1 kilo at 26 na sachets ng marijuana na aabot sa halos 500,000 piso ang halaga.

Narekober rin sa mga mga pinangyarihan ng drug operation ang 15 piraso ng mga baril, ito ay ang 12 pirasong .38 caliber, isang .45 pistol, isang 9mm pistol isang unknown caliber at isang hand grenade.