Una sa Balita

13 panabong ni General tinangay

By
0 4

TALAVERA, Nueva Ecija — Kulang P100,000 halaga ng panabong na manok ang tinangay ng mga hindi nakila­lang salarin mula sa isang retiradong heneral sa Brgy. Campos sa bayang ito noong Biyernes ng madaling-araw.

Sa ulat na nakalap sa tanggapan ni Mayor Nerivi Santos-Martinez, ang nilooban ay farm ni retired General Eduardo Del Rosario na natangayan umano ng 13 ulo ng panabong na manok na nagkakaha­laga ng may P90,000.

Sa imbestigasyon ni PO2 Gilbert Dizon, isinalaysay ni Michael Pascual San Antonio, 38, namamahala sa naturang farm, dakong alas-2:10 ng madaling-araw nang magi­sing si Patrick John Sardenia Tugade, 19, sekyu sa farm dahil sa ingay ng mga umarangkadang mga motorsiklo.

Abante Hiring – IT dep

Napansin na pawang hindi nakailaw ang mga motorsiklo kaya napilitang bumangon si Tugade.

Nakapasok umano ang mga magnanakaw noong akyatin ang mga bakod na yero at natangay ang mga mamahaling manok.