Una sa Balita

13 pa-HK na may pekeng boarding pass nasabat ng BI

0 303

By Mina Aquino

TINATAYANG 13 Pinoy na may bitbit na pekeng boarding pass ang hinarang ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay BI Port Ope­rations Division chief Grifton Medina, ang mga pasaherong patungong Hong Kong na kinabibilangan ng pitong lalaki at anim na kababaihan, ay naharaang noong Lunes (Hulyo 8) sa airline counter ng Cathay Pacific sa terminal 3 ng NAIA.

Sinabi ni Medina na agad ibinalik ang mga pasahero sa BI matapos matuklasan ng mga tauhan ng Cathay Pacific na ang mga naka-print na boarding pass na ipinakita nila ay wala sa manipesto at hindi binigyan ng mga tiket ng airline.

“It is seems that they are victims of a scammers who prey on the public by selling fake tickets at cheap prices to entice their victims,” ani Medina.

Idinagdag pa ng opis­yal na nalaman na lamang ng mga biktima na sila’y na-scam nang sila ay nasa airport na matapos ipinaalam sa kanila ng airline na ang kanilang mga boarding pass ay hindi naka-encode sa kanilang system.

Nang kapanayamin ng mga miyembro ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) ng BI, itinuro ng mga pasahero ang isa sa kanilang mga babaeng kasamahan na siyang humikayat sa kanila na bumili ng mga tiket sa eroplano.

Gayunpaman, sinabi ng babae na maging siya ay hindi niya alam na ang boarding pass ay mga peke dahil tatlong beses lamang niyang nakaharap ang nagpakilala lamang sa pangalang ‘Jennifer’ at inutusan lamang siya na ipamahagi ang mga ticket sa kanyang mga kasamahan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy