Una sa Balita

13 opisyal ng APO Production Unit nireklamo sa Ombudsman

0 309

NAHAHARAP sa kaso ang 13 opisyal ng APO Production Unit dahil sa pagbibigay ng P450 mil­yong kontrata para sa pag-upgrade ng seguridad sa tobacco stamp sa bidder na kulang sa qualification.

Ayon sa reklamo ni Myrna Gonzales, sales manager ng Kolonwei Trading, ginawad umano ng mga opisyal ng APO, na pinangungunahan ni chairman at pre­sident Michael Dalum­pines, ang P450 milyong contract sa IRSIS Corporation at Mara Linux Business Solutions Inc. kahit pa non-responsive umano ang mga pinasang dokumento ng dalawang kompanya sa requirement ng Technical Working Group (TWG) para sa nasabing proyekto.

Ilan umano sa hindi napasa ng IRSIS Corporation-Mara Linux Business Solutions ay ang sworn statement sa lahat ng mga kasalukuyang kontrata nito, financial bid form, at ang pinakabagong income at business tax return.

“Despite the fin­dings of the TWG, the respondents proceeded to award the contract to IRSIS Corporation-Mara Linux and Business Solutions on November 22, 2019,” saad sa reklamo ng Kolonwei, na natalo sa nasabing bidding.

“The concerted act of the respondents in qua­lifying the bid of joint venture and awarding the contract to it despite failure to comply with eligibility requirements as noted by the TWG are clearly intended to bes­tow unwarranted benefits to the said joint venture to the damage and prejudice of the government in the amount of P202 million,” ayon pa sa reklamo.
Ang reklamo ay hinain sa Ombudsman nitong Lunes, Pebrero 24. (RP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More