Una sa Balita

13 nasawi sa China quake

By
0 2

Nasawi ang 13 katao kasama ang anim na turista sa pagtama ng 6.5 magnitude na lindol sa timogkanluran ng China, ayon sa government sources kahapon, subalit inaasahang tataas pa ang bilang sa patuloy na isinasagawang paghahanap ng mga biktima sa mga malalayong kabundukan.

Ang lindol ay naramdaman nitong Martes ng gabi, na pumatay ng 13 katao at 175 ang sugatan, 28 dito ay grabe ang kalagayan, ayon sa pahayag ng pamahalaan ng Aba prefecture, kung saan matatagpuan ang epicenter ng lindol.

Subalit batay sa pagtaya ng China’s National Commission for Disaster Reduction aabot sa 100 ang nasawi, base umano sa 2010 census data sa naturang lugar.

Sa inisyal na images na kuha mula sa lugar ng lindol, makikita ang mga paramilitary police na naghahap ng mga survivors sa mga rubbles.

Isang aftershock, na nagtala ng lakas na 4.2 magnitude sa US Geological Survey (USGS), ang tumama sa rehiyon matapos ang naganap na main quake.

Naramdaman ang 6.3-magnitude quake sa hilagangkanluran ng Xinjiang region, China, libong kilometro mula sa Sichuanm ayon sa USGS.

Ito ay naramdaman dakong alas-7:30 ng umaga (2330 GMT) at ito ay sinundan ng dalawang aftershocks na 5.2 at 5.3 magnitude, wala pang ulat ng mga damages o casualties mula sa malalayong lugar.