Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

13 illegal logger kalaboso sa Cagayan

0 92

Dinakip ang 13 katao matapos umanong mahuli habang nasa aktong pumuputol ng kahoy sa kagubatan, bahagi ng bayan ng Lal-lo at Gonzaga, Cagayan.

Ayon sa report ng Cagayan Police naaktuhan ang limang lalaki na pinuputol ang G-melina tree gamit ang chainsaw sa Brgy. San Lorenzo noong Sabado.

Hinuli ang mga suspek matapos na walang maipakitang permit na putulin ang puno at hindi rin nakarehistro ang gamit na chainsaw na paglabag sa chainsaw act law.

SM food to go Banner Ad

Dito, nakumpiska ang mga tinistis na G-melina kasama ang gamit na chainsaw.

Sa bayan naman ng Gonzaga, ayon sa CPPO, huli ang walong kalalakihan matapos maaktuhang hinihila ang isang round log gamit isang fishing boat sa dalampasigan sa Barangay Batangan.

Binitbit ng pulisya ang walong suspek kasama ang nakumpiskang round log na may habang 12 metro. (Allan Bergonia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.