Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

13 empleyado ng city hall positibo sa drug test

0 129

Labintatlong empleyado sa City Hall ang nagpositibo sa confirmatory drug test.

Kinumpirma ito mismo ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino Jr. mula sa labing-apat na nagpositibo sa initial drug test na sinundan ng confirmatory test kung saan 13 ang nagpositibo.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Paulino, dalawa umano dito ay permanent employee habang ang iba ay job order, contract of service at casual employee.

Matatandaang nagsagawa ng surprise random drug testing noong nakaraang buwan ang siyudad sa lahat ng kanilang empleyado. (Randy Datu)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.