Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

13 barangay sa Baguio ni-lockdown

0 416

Nasa 13 barangay sa Baguio City ang nilagay sa lockdown sanhi ng pagtaas ng coronavirus disease-19 (COVID-19), ayon sa Baguio City local government unit (LGU).

Paliwanag ng Baguio City LGU noong Lunes, nakapagtala sila ng 35 bagong kaso ng COVID-19, na mayroon ng 97 na kaso ng nasabing virus at 48 dito ang aktibo, dalawa ang namatay at 47 ang gumaling na.

Sinabi ng mga opisyal, na nagsasagawa na sila ng contact tracing at disinfection procedure sa mga nasabing barangay na naka-lockdown.

Matatandaan na ang Baguio City ay tinaguriang model government unit sa gitna ng pandemic dahil napanatili nito ang pinakamababang kaso ng COVID-19 sa buong bansa. (Allan Bergonia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.