Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

13 bala tinanim sa `bata’ ng Nueva Ecija politiko

0 164

Niratrat at napatay ng di nakilalang mga salarin ang isang 3-term barangay kagawad na tinambangan noong Biyernes ng umaga sa Brgy. Mambangnan, San Leonardo, Nueva Ecija.

Sa paunang ulat na nakarating sa tanggapan ni PColonel Rhoderick Campo, Nueva Ecija police director, nakilala ang biktima na si Luisito Soriano Reyes, 48, residente ng Brgy. Mallorca, San Leonardo.

Nabatid na alas-7:00 ng umaga, minamaneho ng biktima ng kanyang owner type jeep na may plakang TKK-634 sa bisinidad ng Brgy. Mangbangnan at patungong Brgy. Nieves, San Leonardo, nang pagbabarilin ng riding-in-tandem.

Nasawi noon din si Reyes at umabot sa 13 basyo ng bala ng cal. 45 ang na-recover sa crime scene.

Sinasabing lider umano ng isang kandidato si Reyes, gayunman sinisilip pa ito ng mga otoridad at maging ang mga personal na atraso umano nito sa pinagkakautangan ng malaki. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.