Una sa Balita

13-anyos tinibag si GM Joey

0 438

MARAMING malulupit na batang woodpusher sa bansa, kailangan lang na magkaroon ng mga grassroots program sa chess upang lumitaw sila at maipakita ang kanilang tikas.

Tulad ni 13-year-old Ariel Santander na nagkaroon ng pagkakataon na mailabas ang kanyang husay sa paglalaro ng chess.

Bilang guest player, pinayuko ng Grade 8 student mula Saint Jude Parish School si 13-time Philippine Open champion GM Rogelio ‘Joey’ Antonio sa ‘1 vs 25 Abante Chess Challenge’ na ginanap sa Banahaw Covered Court sa Banahaw Street, Barangay Kaunlaran, Cubao, Quezon City nitong Sabado.

Nagkaroon muna ng elimination round, top 25 lang ang makakasali pero naligwak si Santander.

Subalit nagdesisyon ang mga organizer ng nasabing event na suportado nina Prage Management Corporation President Rey Marfil at General Manager Gil Cabacungan Jr. na magdagdag ng limang guest player at nakasama si Santander.

“Masaya po ako kasi nakalaro ko po si GM Antonio at nagulat po ako sa resulta ng laro dahil ‘di ko po inaasahang manalo ako,” masayang kuwento ni Santander.

“Sa umpisa gusto ko talaga manalo kay GM kaya ginawa ko po ang lahat ng makakaya ko para matalo siya at natupad po ang hinahangad ko.”

Sa limang guest player, tinalo ni Antonio ang tatlo, isa ang nakatabla at isang talo habang sa 25 na chessers, 14 ang kanyang pinisak, 10 ang tabla at isang talo.

Nakatakdang lumahok si Antonio sa 2019 FIDE World Senior Chess Championship na gaganapin Nobyembre 11-24 sa Bucharest, Romania. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy