Una sa Balita

13-anyos patay sa kagat ng aso

0 432

PATAY noong Lunes ang isang 13-anyos na batang lalaki matapos siyang makagat ng asong kalye sa Mangaldan, Pangasinan noon pang Enero.

Kinilala ng Mangaldan Municipal Health Office (MMHO) ang biktima na si Kenneth Rebote, 13, ng nasabing bayan.

Sa report, ayon sa MMHO, nakagat ng asong kalye ang biktima sa kanilang barangay sa nasabing bayan ngunit binalewala niya ito.

Ayon sa mga kaanak ni Rebote, nitong March ay napuna nang wala ng ganang kumain ang biktima, hirap na sa paghinga at kalaunan ay naging matatakutin na sa tubig.

Bunga noo’y dinala sa Regional 1 Medical Center (R1MC) sa Dagupan City si Rebote at sinabi ng medical expert na umakyat na ang rabies sa kanyang utak.

Nai-confine ang biktima sa R1MC ngunit ilang oras lang ang nakakalipas ay binawian na ito ng buhay.

Pinag-utos ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan na hulihin ng mga may-ari at itali ang kanilang aso upang hindi makapangagat sa mga dumadaan. (Allan Bergonia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More