13-anyos ginilitan

By

Natagpuang patay at may tama ng saksak sa leeg ang isang 13-anyos na estudyante sa San Pedro, Laguna kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Earl Joseph Candelaria, residente ng Barangay Cuyab.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, isang construction worker ang nakakita sa bangkay ng biktima na nakahandusay sa tabing-ilog sa nasabing barangay.

Natagpuan sa tabi nito ang isang kutsilyo na hinihinalang siyang ginamit sa pagpatay dito.

Blangko pa naman ang pulisya sa motibo sa krimen at kung sino ang may kagagawan nito. 

SHARE