Una sa Balita

Horoscope 08/24/2018

0 124

ARIES (March 21-April 19) – May malaking pagbabagong maga­ganap. Hindi makakatulong ang pagkontra dahil mas mahihirapan ka lamang at ang mga tao sa paligid mo. Makiayon muna sa mga pangyayari. Lucky number for today: 37

TAURUS (April 20-May 20) – May komprontasyong posibleng maganap at may kinalaman ito sa pag-aagawan ng kontrol. Kailangan mong manindigan kaya iwasang umatras kung kailangan mo mang makipagdiskusyon. Makatutulong ang pagiging kalmado. Lucky number for today: 54.

GEMINI (May 21-June20) – Alisin ang mga pagdududa sa sarili. Ang negatibong mga iniisip ang nagpapabigat sa iyo. Ipakita sa mga tao sa paligid mo na kumpiyansa ka sa bawat ginagawa mo. Lucky number for today: 56. 

CANCER (June 21-July 22) – Alisin muna ang mga personalan. Piliting makipagtrabaho nang maayos kahit sa taong hindi mo gusto. Mas lamang naman ang makukuhang benepisyo kung ibibigay ang iyong koo­perasyon. Lucky number for today: 13.

 
LEO (July 23-August 22) –  May hatid na excitement ang araw na ito. Nasa tamang lugar sa tamang pagkakataon. Enjoy mo lamang ang mga mangyayari. Lucky number for today: 1. 

VIRGO (August 23- September 22) – Abot-kamay na ang tagumpay. Malaking oportunidad ang ihahatid ng araw na ito. Maging maagap sa mga nabubuong ideya. Kung kailangang maglista para hindi makalimot, gawin ito para maging mas organisado. Lucky number for today: 51. 

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – May ilang taong tatayong oposisyon ngayon sa bawat plano mo. May pagtatalo sa sarili kung mas komportable sa nakagawian o kailangang subukan ang isang bagong proseso. Isang kapamilya ang dapat bigyan ng dagdag na atensyon. Lucky number for today: 39. 

SCORPIO (October 23-November 21) – Dagdagan pa ang pasensya at maging object sa pagkunsidera sa isang sitwasyon na pinapasok ng iba’t ibang pagkaantala. Pansamantala lamang ito kaya ‘wag mag-isip ng pag-atras. Lucky number for today: 44. 

SAGITTARIUS (November 22-December 21) –  Anumang gusto mo ay hindi agad mangyayari nang mabilisan. Dagdagan pa ang paghihintay at darating din ang tamang pagkakataon. Ibaling muna sa ibang isyu ang iyong atensyon. Lucky number for today: 11. 

CAPRICORN (December 22-January 19) – Hindi ito ang araw para kaawaan ang iyong sarili. Anumang mga aberya ay panandalian lamang. Mapapatunayan mong marami pa ring naniniwala at nagtitiwala sa iyo. Stay positive! Lucky number for today: 31.

 
AQUARIUS (January 20-February 18) – Maaaring kailanganin mo ngayon na tumapak sa mga numerong idinidikta ng isang partikular na indibidwal. Pride lamang ang apektado kaya iwasang magpakita ng anumang negatibong emosyon. Mas malaki ang benepisyong makukuha sa pakikiayon. Lucky number for today: 17. 

PISCES (February 19-March 20) – Iwasang maapektuhan ng iyong pabago-bagong mood. Manatiling optimistic dahil marami ang naniniwala sa iyong kakayahan. Humugot ng inspirasyon sa mga taong laging nakasuporta sa iyo. Lucky number for today: 5.