Una sa Balita

CJ binigyan ng trabaho ni Coco

By
0 1,562

Kapuri-puri talaga ang effort ni Coco Martin na bigyan ng pangalawang pagkakataon ang ilang artista natin na nawalan na ng career, pero sa pamamagitan ng kanyang Ang Probinsyano ay muling nagiging inspirado at nagkakaroon pa ng hanapbuhay.

‘Wag nang banggitin pa kung sino-sino­ ang mga ito, pero ang pinakahuling kinupkop nga niya ay ang kalalabas pa lamang sa kulungan na si CJ Ramos.

Mismong si CJ ang nag-post sa kanyang IG account ng litrato nila ni Coco habang siya ay nasa set ng nasabing long-running Kapamilya teleserye.

Marahil ay napanood ng Kapamilya King of Primetime Teleserye ang story kung bakit nabaling sa droga­ ang atensiyon ng magaling na dating child actor, kaya walang atubiling ipinahanap niya ito at binigyan ng role at trabaho nga.

Naka-hashtag si CJ na #secondchance sa litratong ‘yun kaya marami talaga ang nagwi-wish na totohanin na nito ang muling pagsabak sa pag-arte dahil mahusay naman talaga ito.

Dahil dito, lalong tumaas ang respeto ng mga netizens kay Coco at sana nga ay huwag siyang mabigo sa mga taong kanyang tinutulungan.

Korekek!