Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

125 kasabay ng Pinoy galing UAE natunton

0 118

Naka-quarantine na ang mga pasaherong nakasabay pauwi sa Pilipinas ng isang Pinoy galing United Arab Emirates (UAE) na nagpositibo sa United Kingdom (UK) variant ng COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni DOH Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, nasa 146 pasahero ang nakontak nila at sa naturang bilang, 78% o 125 na ang naka-quarantine.

Mayroon umanong nasa quarantine facility habang ang iba pa ay naka-home quarantine naman matapos na makatalima sa kinakailangang requirements para dito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na hinihintay na lamang ng mga ito ang resulta ng COVID-19 test na isinagawa sa kanila.

“Lahat po sila (125) ay na-swab using RT-PCR test at kinunan ng specimen for genome sequencing,” ani Vergeire.

Kailangan ang genome sequencing para malaman kung dinapuan ang isang indibiduwal ng UK variant.

Nabatid na nasa 159 lahat ang pasaherong nakasabay ng pasyenteng Pinoy subalit hindi na makontak ang iba sa mga ito. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.