Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

124-anyos Pinay lola palaban sa Guinness

0 38

Abanger ngayon ang isang Pinay na lola para sa nalalapit na pagkilala sa kanya bilang world’s oldest living person sa edad na 124 sa Guinness World Records.

Kinilala ang bidang si Lola Francisca Susano na ipinanganak taong 1897.

Ayon sa ulat, kasalukuyan kasing si Tane Tanaka pa ng Japan ang may hawak ng naturang record na ipinanaganak noong 1903.

Sambit ni Rodolfo Ordanes na siyang Senior Citizen Party-list representative, natanggap na ng Guinness World Records Organization ang mga dokumento ni Lola Francisca para sa naturang kategorya.

Kasabay nito ay naghain ng resolusyon si Ordaes sa Kamara na nagmumungkahing abutan ng

P1 million cash incentive ng pamahalaan ang 124-anyos na lola.

“Dapat nating ituring na pambansang yaman ang mga gaya ni Lola Francisca Susano. Nasaksihan niya ang mahahalagang yugto sa kasaysayan ng ating bansa sa nagdaang mahigit isang siglo,” aniya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.