Una sa Balita

122 pamilyang biktima ng Taal eruption sinaklolohan ng Taguig

0 300

Matapos maghatid ng tulong sa mga apektadong residente dalawang araw pagkatapos ng pagputok ng Bulkang Taal, nagbalik ang pamahalaang lungsod ng Taguig upang magbigay ng mga libreng medical assistance at relief pack sa higit 122 na pamilya mula sa ba­yan ng Laurel sa Batangas na lumikas dahil sa kalamidad.

Sa medical mission at relief operation sa Splendido Evacuation Site sa Laurel ay nagtulong-tulong ang iba’t ibang departamento ng lokal na pamahaan ng Taguig upang masigurado na mabibigyang responde ang panganga­ilangan ng halos 500 indibidwal na lumikas sa kani-kanilang taha­nan.

Ang charitable effort na ito ay nagsimula sa isang medical mission na pinangunahan ng Taguig City Health Office matapos humingi ng tulong medikal ang lokal na pamahalaan ng Laurel para sa mga evacuee nito. Nagdala rin sila ng isang botika kung saan maaaring makakuha ng mga gamot ang mga nanganga­ilangan.

Samantala, ang mga kabataan naman ay tinipon sa mga palaro, magic, at puppet show upang maging psychosocial support.

Ilang truck ng tubig at gamit pampalinis naman ang dala ng Taguig Rescue. Tumulong rin ang Taguig City Police sa medical mission.

Ang medical mission­ at relief operation ay naging posible sa pakikipagtulungan sa mga opisina nina Sen. Pia Cayetano, House Speaker Alan Peter Cayetano, at Taguig 2nd Dist. Rep. Lani Cayetano.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More