Una sa Balita

121 tracker team kinasa sa mga presong ‘di susuko

0 256

MAYROONG 121 tracker team na binuo ang Phili­ppine National Police-Criminal Investigation ang Detection Group (PNP-CIDG) ang ikakalat sa buong bansa upang humabol sa mga preso na hindi kusang loob na susuko matapos palayain dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Ayon kay CIDG Deputy Director P.Brig. Gen. Bernabe Balba, mayroong limang CIDG personnel kada isang tracking team na ikakalat matapos ang 15-araw na ultimatum na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanilang kusang loob na pagsuko.

“Nag-organized na agad tayo ng mga teams ng CIDG sa bawat regional­ offices sa mga provincials at cities me­ron na tayong mga organized na mga team and even before the deadline ay tumutulong na tayo na ma-locate at meron din namang nagsu-surrender in fact nakapagtala na tayo ng 47 surrenderees sa CIDG”, pahayag ni Balba sa isang TV interview kahapon.

Magtatapos ang dead­line na ibinigay ng Pangulo sa Setyembere 19.

Kinumpirma din ni Balba na mayroon na silang kopya ng mga panga­lan ng mga convict at ang huli nilang tirahan.

Samantala ayon naman kay P/Brig. Gen. Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, mula alas-sais nang umaga kahapon ay umabot na sa 431 na ang sumukong mga convict na nakinabang sa GCTA sa iba’t ibang istasyon ng pulis sa buong bansa kung saan 252 sa mga ito ay dinala na sa Bucor.

(Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy