Una sa Balita

1,204 kilo ng karneng baboy sinunog sa Mandaue

0 315

Umabot sa 1,204 kilo na mga nakumpiskang karne ng baboy ang sinunog ng Cebu Provincial African Swine Fever (ASF) Task Force upang hindi na kumalat pa sa Visayas ang mga karne na mula sa Luzon kamakalawa.

Ayon kay Mandaue City Veterinary Office (MCVO) inspector Catalina Mañago, ang mga nakumpiskang frozen pork meat ay tinatayang nasa P477,292 ang halaga at dadalhin sana sa Cebu para ibenta.

Agad na sinunog ang mga karne sa RRDS Petro Chemical Industries sa Barangay Umapad, Mandaue City.

Samantala, nasabat din ng task force ang nasa 3,800 kilo ng processed pork ng isang tindahan sa Barangay Casuntingan sa Mandaue City.

Ayon sa MCVO, nagmula sa Pasig City branch ng tindahan ang nasabing karne.

Ayon pa kay Mañago, kumpleto naman ang kanilang mga dokumento ng hindi binanggit na tindahan gayunman hindi umano ito sumunod sa kautusan ni Mandaue City Mayor Jonas Cortes na banned ang lahat ng pork product mula sa Luzon. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy