Una sa Balita

120,000 makikinabang sa subway project

0 3,890
Inaasahang aabot sa 120,000 pasahero araw-araw ang makikinabang kapag naisakatuparan na ang kauna-unahang subway project ng pamahalaan bago matapos ang termino ni Pangulong ­Rodrigo Duterte sa 2022.
 

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, may tatlong istasyon ang subway system na itatayo mula sa Quezon City hanggang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at ito ay matatagpuan sa Mindanao Avenue, North Avenue at Tandang Sora.

 
Dagdag pa ng opisyal, target din ng gobyerno na makapagpagawa ng 14 istasyon ng railway na magagamit sa 2023.
 
Itatayo aniya ang subway sa tabi ng MRT-7 extension at iba pang common station sa Metro Manila.
“Ang subway, mauum­pisahan na po ‘yan before the end of this year. ‘Yung partial operability, sa usapan namin sa gobyerno ng Japan, gusto nila 2022. Ang gusto ko 2021 so tinitingnan namin paano bibilisan,” ayon sa kalihim sa panayam kahapon sa radyo.
 
Isa aniya ito sa mga malalaking proyekto sa ilalim ng ‘Dutertenomics’ kung saan target ng pamahalaan na makapagpatayo ng hanggang P8 trilyong halaga ng mga bagong railway, airport at mga kalsada.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy