Una sa Balita

1,200 pasaway nasakote sa magdamagang operasyon

0 244

Umaabot sa 1,201 mga pasaway ang nahuli sa magdamagang crime operations ng ikinasang Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement (SACLEO) kaugnay sa mga paghuli sa mga residenteng hindi sumusunod sa ordinansang ipinatutupad ng pamahalaang lokal na sakop ng mga lungsod ng Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) Director P/BGen. Christopher Tambungan, patuloy ang pagsasagawa ng SACLEO ng mga tauhan ng Eastern na ikinakasa sa magdamagang operation na nagtapos kahapon nang umaga.

Batay sa report, nasa anim katao ang inaresto sa drinking in public places, 114 katao ang arestado sa smoking ban, 33 ang huli sa kasong half naked o walang damit pang-itaas na kadalasang lalaki ang nahuhuli, 42 ang nahuling kabataan na pagala-gala sa kalsada at nasa 1,006 ang nahuli pa sa ibang paglabag sa batas.

Sa kabuuan, nasa 942 mga pasaway ang nahuli sa Pasig City, 157 ang arestado ng Mandaluyong Police, 54 katao ang nahuli sa Marikina habang nasa 48 katao ang inarestong pasaway sa San Juan City. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy