Una sa Balita

1,200 ISIS NASA PILIPINAS

By
0 48

Ibinunyag ni Indonesian Defense Minister Ryaizard Ryacudu na 1,200 ang miyembro ng Islamic State (IS) group na nasa Pilipinas, kabilang na ang 40 Indonesians.

Sa talumpati ni Ryacudu sa isang international security forum sa Singapore, tinawag niyang ‘killing machines’ ang Maute group na nakikipaglaban sa ilalim ng IS flag.

Nanawagan si Ryacudu na magkaroon ng regional cooperation para labanan ang mga terorista.

“We have to find… complete ways but we must exercise caution, they are killing machines. Their aim is to kill other people so that’s why it’s our responsibility that we have common understanding, consensus and common proceedings on how to fight these foreign fighters,” ani Ryacudu.

Nagulat sa dami ng ISIS sa ‘Pinas

Kaugnay nito, nagulat si Philippine Defense Undersecretary Ricardo David na dumalo rin sa naturang forum, ang ibinunyag na impormasyon ng Defense Prime Minister ng Indonesia.

Sa pagkakaalam umano ni David, nasa 200 hanggang 400 na IS fighters lamang ang nasa bansa at nasa 40 lamang ang mga foreign IS fighters ang naka-base sa Pilipinas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy