Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

12 tulak laglag sa Cavite buy-bust

0 159

Dinampot ng pulisya ang 12 tulak sa magkakahiwalay na buy-bust sa Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang tatlo sa mga naaresto na sina Alexander Sarte, 43; Elizabent Advincula, 32; at Adrian Vasquez, 41, na nahuli alas-11:00 Sabado ng gabi sa Cammella Lesandra Road, Brgy. San Nicolas 3.

Narekober sa kanilang pag-iingat ang isang kulay blue na coin purse kung saan nakatago ang sachet ng shabu na may market value na P204,000.

Samantala, siyam na iba pang drug pusher ang inaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Brgy. Dulong Bayan, Sitio Silangan.

Nakuha ang kabuoang 22 sachet ng hinihinalang shaby kina Pedro Villatura, 66; Rf Handugan, 33; Micheal Villatura, 32; Donald Hubo, 38; Aristeo Tayco, 45; Ryan Abad, 39; Eric Manlapig, 36; Orlando Francisco; 46; at Joven Ortega, 55. (Gene Adsuara)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.