Una sa Balita

12 tres magpapanalo sa unang laban — Guiao

0 333

AYAW ni Gilas Pilipinas head coach Joseller ‘Yeng’ Guiao na maramdaman ng kanyang players ang pressure sa unang laban nila ngayong araw sa 2019 FIBA World Cup kontra Italy sa Foshan, China.
“I will take the hit,” sabi ni Guiao. “I just want them to just play their best, enjoy the experience without feeling the pressure.”
Kaya naman imbes na mabahala ay napuno ng tawanan at masayang kulitan ang isinagawang unang ensayo ng koponan sa kanilang pagtuntong sa lugar ng kompetisyon ng torneo na nakataya ang silya sa Olympics.
“It’s a tall order for us,” sabi ni Guiao. “But nothing is impossible.”
“We have to play our best and Italy its worst, but if we connect 10 to 12 threes against Italy, we’re in business,” sabi pa ni Guiao.
Sisimulan ng Gilas Pilipinas ang kanilang kampanya sa 2019 FIBA World Cup kontra sa Italy Sabado ng gabi, bago sundan ng powerhouse na Serbia at panghuli kontra sa Angola. (Lito Oredo)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More