Una sa Balita

12 tambay dinampot, pinagmulta ng tig-P5K sa Valenzuela

0 506

Sinabon ni Senator Sherwin Gatchalian ang 12 lalaki na kinabibilangan ng anim na menor-de-edad na lumabag sa ipinatutupad na enhanced community quarantine sa Valenzuela.

“Ang titigas ng ulo nyo. Sinabihan na kayong huwag munang lalabas ng bahay para hindi kumalat ang virus , nagagawa nyo pang tumabay sa kalsada,” galit na sabi ng Senador.

“Kooperasyon nyo lang ang hinihiling namin kasi para din yan sa kaligtasan nyo,” dagdag pa ng mambabatas.

Nahuli ang 12 lalaki dahil sa pag-iikot nina P/Lt. Albert Verrano, head ng Police Community Precinct (PCP) 7 ng Valenzuela Police Station sa lahat ng mga eskinita at lansangan sa Barangay Punturin.

Dahil sa kautusan ng Pamahalaan at sa pagpapairal ng social distancing para maisawan ang pagkalat ng Coronavirus 2019 (COVID-19), ipinagbabawal ang pagtambay sa mga kalsada at pinapayuhan ang publiko na manatili sa loob ng bahay.

Pagsapit nina Lt. Verrano sa SMBAPI sa Barangay Punturin, huli ang mga lalaki na nag-uumpukan sa kalsada.

Dinala ang mga hinuli sa 3S Punturin para tiketan ng Task Force Disiplina, tyempong naroon si Senator Gatchalian, saan dinalaw niya kung maayos ang pagdarausan ng relief foods distribution, kaya naman sermon ang inabot ng mga ito.

Pinagmulta ng P5,000 kada-isa ang mga nadampot . (Orlan Linde)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More