Una sa Balita

12 senador prinoklama

0 212

By Mia Billones

Matapos ang ilang ulit na kanselasyon, natuloy na rin kahapon, Mayo 22, ang proklamasyon ng 12 nanalong senador sa nakaraang halalan noong Mayo 13.

Isa-isang tinawag ng Commission on Elections (Comelec) ang mga nanalong senador at binigyan ng certificate na simbolo ng kanilang pagkakapanalo sa nakaraang halalan.

Unang pinaakyat sa entablado sa PICC Tent sa Pasay City, ang nasa ika-12 puwesto na si Senador Nancy Binay at sinundan ng nagbabalik Senado na si Ramon Bong Revilla, Jr.

Sumunod na tinawag sina Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, Atty. Francis Tolentino, Imee Marcos, Lito Lapid, Sonny Angara, Ronald ‘Bato’ dela Rosa, Pia Cayetano, Christopher Lawrence ‘Bong’ Go, Grace Poe at pinakahuli ang topnotcher na si Senador Cynthia Villar.

Si Villar na rin ang tinokahan na magtalum­pati para sa mga bagong halal na senador.

Dinagsa ng kanilang mga pamilya at tagasuporta ang proklamasyon ng Comelec sa mga nanalong senador.

Alas-10:20 nang umaga nang magsimula ang programa na pina­ngunahan ni Comelec Commissioner Sheriff Abas .

Binanggit ni Abas ang mga botong nakuha ng bawat senador kasunod ng kanilang proklamasyon Ang Comelec ang nagsibing National Board of Canvassers sa katatapos na senatorial elections.

Sa mga nanalong senador, siyam ang inen­dorso ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Presidential daughter Davao City Mayor Sara Duterte na indikasyon na malakas ang impluwensiya ng mga ito sa mga Pilipino.

Dahil dito kung kaya’t mas madaling maisasakatuparan ni Pangulong Duterte ang kanyang mga programa at proyekto para sa bansa.

Sa tanghali ng Hun­yo 30, magsisimula ang kanilang termino sa Senado.
Dumating sa proklamasyon sina Defense Sec. Delfin Lorenzana, PNP chief Gen. Oscar Albayalde, NCRPO chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar bilang suporta kay Dela Rosa.

Samantala, sa ginanap namang photo opportunity matapos tanggapin ng mga incoming senator ang kani-kanilang certificate of votes mula sa Come­lec, tanging si Senator-elect Bong Go ang walang kasama sa stage.

Simple rin lamang ang suot nito na naka-T-shirt na pula taliwas sa ibang mga kasama naka-gown o nagpasadya ng damit at barong Tagalog.

Kabilang din sa mga agaw atensiyon ay si Sen. Nancy Binay kung saan umakyat sa stage para sa picture taking sina dating Vice-President Jejomar Binay na natalo sa pagka-kongresista at ang naglaban na sina Makati Mayor Abby Binay at ang kapatid na si Jun-Jun Binay.

Sa panig ni Sen. Grace Poe, nagsama rin ito ng powerhouse cast sa katauhan ng bete­ranang actress na si Ms. Susan Roces.

Agaw-pansin naman ang pagsayaw ni Revilla matapos ang proklamasyon.

Samantala, sa final tally, nanguna sa senatorial race si Senador Cynthia Villar sa botong 25,283,727; Grace Poe, 22,029,788; Bong Go, 20,657,702; Pia Caye­tano, 19,789,019;Ronald dela Rosa, 19,004,225; Sonny Angara, 18,161,862; Lito Lapid, 16,965,464; Imee Marcos, 15,882,628; Francis Tolentino, 15,510,026; Koko Pimentel, 15,510,026; Bong Revilla Jr., 14,624,445 at Nancy Binay sa botong 14,504,936.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy