Una sa Balita

12 sampal sa kurakot

By
0 491

AALISAN ng kahihiyan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harapan ng mga biktima ang sinumang opisyal at tauhan ng gobyerno na mapapatuna­yang kurakot at nanghihingi ng pera lalo na sa mga negosyante.

Ito ang tiniyak ng Pangulo sa mga negosyante sa kanyang pagdalo kagabi sa paglulunsad ng isang bagong kompanya ng sasakyan sa Pasig City.

Hinimok ng Pangulo ang mga negosyanteng dayuhan at maging mga lokal na isumbong sa kanya sakaling may magtatangkang manghingi ng pabor kapalit ng mabilis na paglabas ng business permit ng mga ito.

“If you have something against anybody in go­vernment, anybody at all, go to me. I will contact you and I will call the person you are complai­ning against and the three of us will talk,” anang ­Pa­ngulo.

Kapag aniya napatunayan ang bintang na korapsiyon, ipapasampal niya ito nang isang dosena sa harapan niya para mahubaran ng kahihiyan at mawalan ng dignidad.