Una sa Balita

12 preso pumuga sa Batangas

By
0 1

Labingdalawang preso ang nagawang pumuga sa Malvar Municipal Police Station (MPS) sa Batangas, makaraang lagariin ng mga ito ang rehas na bakal sa likurang bahagi ng kanilang selda kahapon ng mada­ling-araw

Nabatid mula sa nakalap na ulat sa Batangas Police Provincial Office (PPO), 11 sa mga pumuga ay sangkot sa kaso ng iligal na droga, kabilang sina D­iego Barola y Baes, Melvin Ona, Jerald Rivo, Leodi­gario Lara Jr., John Raniel Hiwatig, Arvie Villegas, El King Leonida, Carissa May Salagan, Noel Malpas, Artemio Castillo at Moris Carandang, habang sabit naman sa kasong murder si Fredie Santos

Sa inisyal na imbestigasyon, dahan-dahan at matiyagang nilagari ng mga pugante ang rehas ng selda sa pagitan ng alas-dos hanggang alas-kwatro ng madaling-araw, na hindi namalayan ng duty jailer.