Una sa Balita

12 preso na ang patay sa Cavite

By
0 488

ISANG preso pa ang nasawi habang nakakulong sa Dasmariñas City Custodial Center. Ito ang pang-12 sa bilang ng mga naitalang namatay na bilanggo nga­yong 2019.

Ayon kay Corporal Richard Domingo ng Dasmariñas City Police Station, dakong alas-7:47 kamakalawa nang gabi nang idineklarang patay si Constantino Padua, 52, binata, ng Bautista Property, Zone 2, Blk 20 Lot 2, Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City, Cavite habang ginagamot sa Pagamutan ng Dasmariñas City matapos itong isugod bandang alas-9:15 nang umaga noong February 26. Hindi umano nagkakain ang biktima habang nasa loob ng kulungan.

Inaresto at ikinulong si Padua noong Pebrero 11 dahil sa kasong paglabag sa RA 9165.

Si Padua ang pang-12 preso na namatay simula Enero kung saan 5 dito ay mula sa Dasmariñas City Custodial Center, 4 din sa Bacoor City Custodial Center, 1 sa Imus City Jail at 1 sa BJMP Custodial Center sa Silang, Cavite.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy