Una sa Balita

12 ‘ninja cops’ kinasuhan na ng DOJ

0 357

SINAMPAHAN na ng Department of Justice (DOJ) ng kasong kriminal si Police Maj. Rodney Baloyo IV at 11 pang tinaguriang ‘ninja cops’ kaugnay sa pagkakasangkot sa kuwestiyonableng anti-illegal drugs operations sa Mexico, Pampanga noong 2013.

Ang pagsasampa ng kaso ay matapos makitaan ng mga DOJ prosecutor ng probable cause para ma-indict ang 12 ‘ninja cops’.

Maliban kay Baloyo, kinasuhan din sina P/Insp. Joven Bagnot De Guzman, Jr.; SPO1 Jules Lacap Maniago; SPOI Donald Castro Roque; SPO1 Ro­nald Bayas Santos; SPO1 Rommel Muñoz Vital; SPO1 Alcindor Mangiduyos Tinio; PO3 Dindo Singian Dizon; PO3 Gilbert Angeles De Vera; PO3 Romeo Encarnacio Guerrero, Jr.; SPO1 Eligio Dayos Valeroso; at SPO1 Dante Mercado Dizon.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at 12 qualified bribery sa ilalim ng Revised Penal Code ang kinakaharap ng mga tina­guriang ‘ninja cops’.

Samantala, hinihintay pa ng DOJ ang resulta ng isinagawang raffle para malaman kung anong regional trial court at municipal circuit trial court ang hahawak sa mga kaso.

Nag-ugat ang kaso sa isinagawang drugs operation sa Pampanga na pinangunahan ni Baloyo. (IS)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More