Una sa Balita

12 nadale sa tumagilid na jeep sa Marcos Highway

0 286

Nagtamo ng sugat ang nasa 12 pasahero ng tumagilid na jeep sa kahabaan ng ­highway sa Marikina City, ­Linggo nang umaga.

Pawang sinugod ang mga ito sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center at nasa ligtas nang kalagayan.

Nag-ugat ang ­insidente ­makaraang makipagkarera ­diumano ang driver ng jeep sa isa pang jeep na patungo sa ­Antipolo, Rizal.

Sumadsad ang jeep ng may 50 ­meters ang layo bago ito ­huminto at wala namang ­naiulat na tumilapong ­pasahero bagkus ay nagkauntugan lamang ang mga ito.

Agad rumesponde ang Marikina Rescue 161, habang ­inaresto naman ang driver ng jeep na kasalukuyang nakakulong sa Marikina detention cell. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More