Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

12 nadale sa Norway shooting

0 103

Dalawa ang patay habang sampu ang sugatan sa walang habas na pamamaril ng isang lalaki sa isang nightclub sa Oslo, Norway.

Batay sa lumabas na report, bigla na lamang dumating ang isang di muna pinangalanang lalaki sa isang gay bar and nightclub at pagdaka’y walang puknat nang mangratrat.

Agad namang nadakip ng mga pulis ang suspect di kalayuan sa pinangyarihan ng krimen.

Masusi pa ngayong inaalam ng mga awtoridad ang motibo ng suspect sa pamamaril.

Dahil sa nasabing shooting ay nakataas ngayon ang red alert sa Oslo University Hospital dahil sa pagdagsa ng mga biktima sa krimen.

Leave A Reply

Your email address will not be published.