Una sa Balita

12 katao nadagdag sa biktima ng paputok

0 256

Nadagdagan pa ng 12 ang nabiktima ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sanhi nito, sinabi ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa 319 ang bilang ng mga nabiktima ng paputok.

Gayunman, ipinagmalaki ng DOH na wala pa ring biktima ng ligaw na bala at wala ring nasawi sa paputok.

Ang naturang bilang na nadagdag ay naitala mula alas-sais nang umaga ng Enero 4 hanggang alas-5:59 nang umaga ng Enero 5, 2019.

Ang mga naturang kaso ay mula sa Region VII na may tatlong kaso, tig-dalawa sa National Capital Region (NCR), Region VI at X, at tig-isa sa Region I, IV-A at V.

Ito ay mas mababa pa rin naman sa kabuuang bilang ng 194 kaso o 38% kumpara noong taong 2018, at 531 kaso o 62% sa 5-year average period.

Ayon sa DOH wala silang naitalang kaso ng nasawi sa paputok o ligaw na bala sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Nabatid na ang mga biktima ay nasa edad 2-76 at karamihan ay mga lalaki.
Ang 246 ay nagtamo ng sugat at lapnos sa katawan, 11 ang kinaila­ngang putulan ng bahagi ng katawan at dalawa ang nakalunok ng paputok.ay sanhi ng kwitis (68), luces (36), piccolo (21), boga (19), 5-star (16) at triangle (16). (Juliet de Loza-Cudia)