Una sa Balita

12 katao kalaboso sa shabu

0 776

NAAKTUHAN sa pot session ang 12 katao na dinakip ng mga awtoridad sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan kahapon nang madaling-araw.

Sa ulat nina PO1 Juan Miguel Madlangbayan at PO1 Rafael Tuballas ng Caloocan City Police - Station Drug Enforcement Unit (SDEU), unang naaresto ang limang mga suspek na sina Dennis Sinner, 32-anyos; magkapatid na Ryan Batchao, 19-anyos at Patrick Batchao, 17-anyos; Jo­bert Villanueva, 36-anyos at Kristalyn Barlam, 20-anyos sa isang bahay sa Block 2, Santiago St., Vista Berde, Brgy. 166, Caybiga nang nasabing lungsod, ganap na alas-dos ng madaling-araw.
Nakatanggap ng tawag ang nasabing himpilan hinggil sa lantaran pot session sa lugar. Wala naman sa drugs watchlist ang mga suspek.

Samantala, pasado alas-singko nang madaling-araw din nang mahuli sina Ricky Guadamore, alyas Eking, 43-anyos; pinsan na si Benjamin Guadamore Jr., alyas Junior, 18-an­yos; Junaid Macatood, 29-anyos; Nestor Flor Jr., 29-anyos; Hamdan Adato, 24-anyos; Jackielyn Montallana, alyas Jane, 34 at Marissa Escobar, 34-anyos sa Phase 4B, Package IX, Block 78, Brgy. 176 nang nasabi ring lungsod. (Cherk Balagtas)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More