Una sa Balita

12 katao huli sa droga, 1M shabu nakumpiska

By
0 554

Nasa isang milyong piso ang halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa 12 drug suspect kabilang ang anim na babae sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pasay City Police kahapon nang mada­ling-araw.

Kahapon ay iprinisinta sa mga mamamaha­yag nina Southern Police Police District (SPD) Director Chief Supt. Tomas Apolinario Jr. at Pasay City Police Chief Senior Supt. Noel Flores ang mga nadakip na suspek na sina Jackielyn Reyes, 46; Sonia Cordal, 41; Maricris Alipio, 27; Rosemary Arevalo, 46; Marilou Malay, 46; Rowena Rodelia, 50; Van De Leon 39; nakatira sa Bernabe St., Barangay 44; Joselito Elvina, 58; Miguel Acedello alyas ‘Jun’, 51; Darwin Castalone, 42; Michael Mendoza, 51; Delfin Madeja alyas ‘Waway’, 27, pawang naninirahan sa no. 159 Estrella St., Barangay 14 nang nasabing lungsod.

Base sa isinumiteng report ni Senior Inspector Maynard Pascual, hepe ng SDEU, dakong alas-2:30 nang madaling-araw nang ikasa ang drug operation sa no. 159 Estrella St., Barangay 14 Zone 2 Pasay City.

Ayon kay Pascual, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizens hinggil sa iligal na aktibidades ng mga suspek sa loob ng bahay ni Jackielyn Reyes. ­